• paul of Others

    Graduate ako last 2013. Cum Laude. Consistent Dean’s Lister. So sobrang laki ng pressure. 

    Everyone was pursuing na mag-take agad. Halos lahat din ng mga Cum Laude na batchmates ko ay magte-take na. So I feel very pressured. Dapat ako rin. Dapat maging CPA na rin agad ako. I felt like being competitive is the only way na ma-boost ko yung sarili ko. 

    So nag-review ako, pero pakiramdam ko sa review ko hindi ko pa rin kaya. Kaya kinausap ko parents ko na sa May 2014 na ako magte-take and they accepted naman kasi supportive sila as always. (I’m always grateful for that ). So ayun na nga medyo nagpetiks ako sa pag aaral. Kasi alam ko matagal pa ko mag-exam pero nagcontinue ako sa review center. Pumapasok sa umaga, nag-aaral sa hapon. And one day sinabihan kami ng Dean namin na mag-take na kami dahil for sure magiging CPA na kami agad by October 2013, yung pag-convince nila na sila na ang bahala. 

    So nadala ako, siguro dala na rin ng pressure, nag-take ako. During my exam, nakakatulog ako kasi sobrang naghapit. Walang tulog, puro kape na laman ng ugat ko. So after exam, I felt like maoospital ako sa sobrang pagod. Hahaha. Wala akong ginagawa. Naghihintay lang sa result. Sa isip isip ko dito nakabase kung anong plans ko sa life. So after one week, lumabas na ang result. I failed. Cum Laude pero I failed. Sobrang sampal sakin, sobrang sakit. Wala akong gustong kausap. Wala akong ginagawa. Pero sabi ko sa sarili ko, pag may nakasara na ang bintana, may pinto pa naman. And after one week I got a call sa isang company na gusto akong iemploy dahil dun ako nag-OJT. So sabi ko ito na nga yun. Di man ako nakapasa, baka magkamagandang career naman ako.

    So I started working ng November 2013, I started as Rank and File as usual entry naman ng employees. But after 3 months, na-promote ako as supervisor so feeling ko ito na yung reason kung bakit di ako naging CPA. Naisip ko pa nga na di naman siguro kelangan ng license para maging maganda ang career which happens naman talaga sa iba. So ayun work work work lang ako. Nakalimutan ko na yung exam. Nakalimutan ko na lahat. And after few months, na-promote ulit ako. Naging manager na ako. 

    So sabi ko kaya ko rin palang maging manager kahit di ako CPA. Kaya mong mag-excel kahit di ka CPA. But I guess, pang-fed up ko lang sa failure ko yun. I guess ginawa kong panakip butas yung ganda ng career ko sa nangyaring failure ko sa exam. Nagtagal bago ko na-realize na kelangan ko ng license, na yun pala talaga ang gusto ko. So after 3 years, nag-decide ulit ako. I also tried na mag-resign dahil nakahanap ako ng flexible yung time para sa review ko. But the company I’m working with wanted me to stay, in-adjust nila ang time ko sa work so I could study pa rin. They even paid for my tuition sa review center. So na-pressure ako lalo. Dahil feeling ko hindi lang to para sakin na at sa family ko but para sa employer ko. 

    So nagwo-work ako and nag-aaral sa gabi at pumapasok sa review center sa weekends. Yes, walang pahinga. Araw araw talagang doble kayod. To make the long story short, nag-take ako October 2016, yung pakiramdam ko sa exam ko feeling ko pasado na ako. But I was wrong, I failed again. Yes, again! Ang dami kong na-disappoint. Or baka ako lang talaga yung disappointed sa sarili ko. Nahihiya ako sa company na nagbayad ng tuition ko at in-adjust pa ang time ko to support me. Pero siguro nga dahil sa life experiences kaya ka tumitibay, I managed to cope up with the disappointment and stress. And naglakas loob ako.

    Nag-review ulit ako. Pero this time wala ng adjustment sa time at hindi na company ang nagbayad ng tuition ko. So ganun pa rin set up. Work work then aral sa gabi. Pasok sa review center sa weekends. So eto na May 2017 exam, nag-take ako. Pero ang prayers ko na lang, “Lord, I trust you po sa plans mo sakin”. Yun na lang. Hindi na ako nag-eexpect. Parang in-enjoy ko na lang. So lumabas na ang result and I still didn’t see my name sa list. Sabi ko baka ito ang plan Niya for me kaya tinanggap ko wholeheartedly. Hindi ako naiyak. Nanood pa ako ng K-drama. Hahaha. Hindi rin ako pumunta sa PRC para i-verify grade ko. Pero after one week, sinabihan ako ng officemate ko na may ratings na daw sa site. Sabi ko pa “Maya ko na tingnan. Di na ako umaasa.” Pero ewan ko may tumulak yata sakin para i-check. So ayun Condi ako. Omg! Sobrang saya ko nag-iiyak ako sa office. Hahaha. Tax and Law. So sabi ko di ko na patatagalin to. Ito ang plan ni Lord, staggered lang pero sobrang grateful ako.

    So nag-self review na lang ako dahil dalawa na lang. Work pa rin sa umaga. Aral sa gabi. I guess nasanay na ako sa ganung set up. Tapos middle of my review, naglabas ng memo ang BOA na may additional subject sa law at tax at effective na ng October 2017. Sabi ko bakit ayun pa? Bakit kung ano pa yung ite-take ko. Pero di ako sumuko. Nanghingi ako ng copy ng handouts sa friend ko para sa bagong topics and nag-download ng napakaraming files and I even read my Papa’s law books. Sabi ko si Lord na lang talaga ang bahala. So ito na. Dalawang subject nalang. Kaya ko na to. Nag-exam ako. Magkahiwalay na Saturday yung exam so sabi ko ang dami kong time para balik balikan lahat. During exam na, whoaa. Grabe yung tax puro bagong topics. Kaya after ng tax lalo akong nagbasa ng bago sa law kasi alam ko the same will happen sa law. During exam ng law puro bago at sobrang tricky ng exam. Sobrang kaba ko. Sabi ko nga mukhang uulit ako. Mukhang buong subjects ang uulitin ko. Pero di ko to pinakita sa family ko dahil ayaw kong mafrustrate sila. Dahil nakakailan na ako diba. So go with the flow lang. Work lang ako ng work parin at nood ng K-drama while waiting. 

    Then nalaman ko na November 2 or 3 pa ang labas. Parang sabi ko sobrang tagal ng hihintayin ko pero parang ang pangit pa rin ng mangyayari. Pero hinayaan ko na lang. Inaliw ko lang sarili ko sa work at K-drama. Hahaha. Then ito na, November 2 ng gabi nawala sa isip ko totally na posibleng labas na ng result. Natulog lang ako nang maaga. Parang wala lang. Tapos ito na. Mga 4am ng umaga since si Papa ang unang nagigising, may nakita siyang post na naka-tag ako na CPA na ako. So ginising niya ako. Akala ko pa may sunog dahil nagsisigaw lang siya. Hindi niya mabanggit na CPA na ako. Hahaha. Then I took my phone ang dami kong messages. Hindi ko pa nakikita yung name ko alam ko CPA na ako. Then dun na lumabas lahat ng luha ko. 

    I guess ngayon lumabas lahat ng pagod ko. Naiyak nalang ako sa sobrang saya dahil sa sa wakas lahat ng pagod at puyat ko ay CPA na ako. I felt like yung almost magqui-quit na ako dahil sa pagod sa work at pag-aaral ay nasuklian ng sobra sobra. Yung mga araw na nakakatulog ako kahit nakatayo sa LRT, yung mga napapapikit ako habang nag-CCR sa office. Yung mga nakakatulog ako habang kumakain lahat yun naisip ko nung nakita ko na yung name ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Sobrang saya ko. I can’t thank God enough. This was the happiest feeling in my life. I know I should always trust God’s plan. Kaya sa mga working dyan, huwag tayong susuko sa mga pangarap natin. Oo, mas doble ang hirap dahil kailangan din nating maghanap buhay for our responsibilities but never give up sa pangarap natin. Kaya niyo yan. Sobrang laking adjustment lang pero alam ko kaya niyo yan. Kaya walang susuko. Pinagdadasal ko na dumami pa lahat ng CPA lalo na sa mga habang nagwo-work dyan. Para sa responsibilidad at pangarap, kaya niyo yan!

    Working Unnie, CPA



    Posted