• paul of Others

    Hey. It's Hannah....Hannah Baker.
    Chosss. Hahaha. (Kaway kaway sa mga na-hook sa 13rw 😂).Srsly, I made a promise to God na mag share nang story ko. So eto na siya. Medjo mahaba toh. Pagbigyan niyo na. Haha.

    I'm a graduate from a school dito sa province namin. I'm an average student lang din. Aral lang pag may quiz or exam or recitation, tapos limot na agad the next day. 5yrs ang acctncy samin, pero nung middle of the 3rd yr ko lang narealized na parang wala akong natututunan. So mula nun, nag pupuyat na ko, sinusubukan kong aralin mga topics, at nahuhuli ako sa klase. Kasi kahit basic acctng rine-review ko pa din that time. Tapos sabayan pa nang mga minor subj na feeling major sa dami nang requirements, so kulang na ko sa oras. So ayun na, ika 5th yr na. Puno yung sked ko. Humihirap na at puro review na yung mga subjcts ko. Para siyang hindi review sakin, kasi nga hindi naman ako matalino, hindi rin mabilis maka pick up nang lessons, tas sabayan pa nang katamaran, eh di wow. Ang galeng ni Ineng 👏😏. Sa awa nang Diyos, naka graduate ako on time. At maayos naman yung mga grades ko. Thank You, Lord !.

    Sa school namin, before maka take nang board, dapat napasa mo muna yung preboard. After ko grumaduate, I took the risk na mag review sa manila. Kahit di ko pa pasado yung 6 sa 8 na preboard ko, I took the risk. Umasa ako at nagtiwala sa sarili ko na siguro kaya ko nang maipasa yung 6 na yun pag nasa manila na ko. Pero mali. Hindi ko siya naipasa. Ginawa ko naman best ko, nag aaral naman ako, pero sadyang kulang pa rin tlaga. Sabi nila, mas mahirap daw yung preboard sa school kesa sa actual board. Pero pinaka mahirap sakin na sabihin ko sa family ko na hindi pa ko makaka take nang board dahil sa preboard na yan. So nag decide family ko na umuwi muna ko sa amin.

    At ayun nanaman, nag review ulit ako. This time mas sinipagan ko pa, mas pinuyatan ko pa. Pero kulang pa din. Hindi ko parin napasa preboard ko. Iyak nanaman. It took me 1yr & 2mos  bago ko napasa preboard ko. Antagal sobra. At sa time na yun, review lang ako nang review. Kahit pagod na ko review pa din. Binibigyan pa rin ako ni Lord nang lakas at resources pra makapag review. May 2016 napasa ko preboard ko. Sa wakas ! Ansarap sa pakiramdam ! Parang pumasa na sa actual board ! Haha. Tapos may close friend din akong nakapasa nang actual board sa time na yun. First CPA sa tropa namin, so inspired ako. I decided to take the Oct 2016 board. Dahil kalagitna'an nang May na ko nakapasa, nahuli na ko sa enrollment nang rev cnter sa manila. So I decided na mag self review nalang. Awow. Anlakas nang self confidence. Antapang ko. Hahaha. Ginamit ko lang yung review materials ko from a rev cnter sa manila plus yung materials sa rev cnter na riniviewhan ko dito lang samin. I studied hard. Nagpupuyat, nag aaral nang husto. Mindset ko nun, dapat extra effort ako kasi self review lang ako. Dapat mas sipagan ko pa at dapat walang masayang na oras. So eto na, Oct 2016 board exam came. Nahirapan ako, at kada exam ako lagi ang huli na nagpapasa nang papel. Sabi nila, pagkatapos nang exam, mafefeel mo kung papasa ka o hindi. Hindi ko na feel na papasa ako. Haha. Dahil  nga sa nahirapan ako, nawalan na ko nang pag asa na pumasa. Pero andun pa rin syempre yung hope. Na sana, Will ni Lord na ipasa ako. Results came, wala pangalan ko. Masakit. Sobra. Kasi ginawa ko naman best ko. Andaming kong sinacrifice para sa exam, tapos wala parin. Kinulang ako nang 3%. Ansakit na nun para sakin. Despite na hindi ko pasado, nakapag thank you pa din ako kay Lord. Tiwala pa rin sa Kanya at sa magandang plano Niya. Yung ratings ko, not bad na para sa self review lang. Nataasan ako, sadyang mababa lang talaga nung isa kaya kinulang (Hi Tax ! 😒). But I never lose hope. I still trust the Lord kung ano talaga ang gusto niya. Alam ko may plano Siya na mas maganda. Antagal bago ako maka move on sa sakit. Na depress ako at nawala yung self confidence ko.

    Review ulit ako para sa May 2017 boards. Dito lang ako ulit sa province nag review kasi as much as possible, ayoko nang maging pabigat sa family ko. Andami na nilang nagasto para sakin. Nag rereview ako para kay May, pero yung sakit ni October andito pa rin. Dala dala ko parin yung sakit hanggang January this yr. Yung feeling na, tina-try ko mag move on, pero andon pa rin talaga. Yung effort ko para kay May, mas mababa kesa nung effort ko kay October. Hindi ko alam. Na stuck ako sa sakit. Dumating yung point na andun lang ako sa kwarto ko nakahiga, nakatingin lang sa labas ng bintana, sa langit. Iniisip ko kung para ba talaga sakin toh. Tinatanong ko sarili ko, "self, anyare sayo? Bat ganito? Bat hinayaan mo na maging ganito?".tapos umiiyak na pala ako. Mukha akong baliw pero yun talaga eh. Wala kong lovelife. Kaya si Accounting lang tlaga iniiyakan ko. Sakit diba? La na ngang lablayp, wala pa license. Hahaha. Halos gabi gabi umiiyak ako. Hindi ko man naiintindihan ano na nangyayari sa buhay ko, nag rereview pa din ako. Kakatapos nang review pag saturday(weekends lang kasi revw samin), pumupunta ako sa simbahan. Umiiyak ako, iniiyakan ko si Lord. Sa kanya lang kasi ako umiiyak talaga. Araw araw ako nag ppray kay Lord, na sana maka move on na ko at bumalik ulit yung tiwala ko sa sarili ko. Then nagising nalang ako isang araw, nakapag decide na ko na mag focus kay May. May nasayang na oras, pero okay lang kasi meron pa namang time pra mag prepare. Imbis na study hard, study smart yung ginawa ko. Minsan lang magpuyat kasi lagare na ako sa buong araw. I asked the Lord na tulungan Niya ako mag prepare physically, financially, mentally, emotionally at spiritually for the board exam. I even prayed na idelay lang muna niya nang ilang araw yung monthly visitor ko, na wag mataon sa exam dates. At guess what? Tinupad Niya ! Haha. Ang amazing ni Lord talaga. The day before the exam, nag church hoping ako. Gusto kong makaroon nang peace, at alam kong doon ko lang mahahanap yun. I asked God, na sana ipasa na Niya ako. I asked God also na gusto ko itong gawing mother's day gift sa mama ko. Ito na siguro ang pinaka magarbong regalo na maibibigay ko sa kanya. Kasi siya naman talaga ang #1 inspiration ko. Ang Mama ko. After all her sacrifices samin, being a single mother, she deserved na mabigyan nang ganitong karangalan. So ayun, board exam came. Bago ako pumunta nang venue, pumupunta muna ako nang simbahan to asked God's guidance and wisdom and all. And I feel ready na pag dating sa venue. I prayed before, during and after the exam. Lalo na sa during. I stop every 5 items, or every situation, tas pray. Kahit konti na lang ang oras, di pwde na hindi magpray. Maliban sa preparation, eto tlaga ang pinaka effective na armour sa laban. Panlaban sa mga kaaway pra di ka mapuruhan.

    Every after exam, confident ako. Confident na aabot sa kota yung rating ko. Before and after exam, simbahan lagi ang tuloy ko. Nagpapasalamat kay Lord sa lahat. Last day of exam, confident ako. CPA na ako ! Sabi ko. Though may konting doubt, mas malaki yung Faith ko na papasa ako. At dahil dun, nagsunog na ako nang handouts ko, haha. Confident eh. Sabi ko, hindi ko na kayo kailangan at pagod na ko intindihin kayo. Nagpicture pa ko tas video habang hinahagis ko ang materials ko sa apoy. Haha. Results came, sabi ko, Lord, let your will be done. Then surprise ! Wala name ko. Kala niyo pasado? Kala ko rin eh. 😭😂 Sakit diba?. Asang asa si ako. Habang nag sscroll ako at pilit na hinahanap ko pangalan ko, I was asking God, why? Pero nagpasalamat parin ako sa Kanya. At wala akong ka-bitter-an na naramdaman. Talagang maluwag sa dibdib ko. At tinanggap ko yun. So ayun.Yung sana na "Ma, kuya, CPA na ako" turned to "Ma, kuya, bagsak ako" real quick. Masakit. Sobra. Sobrang sakit. Akala ko mabibigay ko na kay mama yung mothers day gift ko. Pero wala pa din eh. Hindi ako naiyak sa gabing yun. Umiyak ako nung sinabi ko na sa family ko na bagsak ako. Nasasaktan ako para sa kanila. Nasasaktan ako para kay mama. Para sa kanya yung title na yun eh. Gift ko dapat yun eh 😭.I decided na mag rest muna sa CPA dream ko. This time, unahin ko muna family ko, mag work, mag enjoy sa life. Refresher na rin ako, tas nasunog ko na handouts ko. Hahahaha. Kaya rest na muna. Then ratings came out. Then I found out, Condi ako ! At ang naka condi sakin? 1%. Nasampolan ako nang 1% na deficiency bess. Ansakit pala nung ganun. 1% nalang CPA ka na sana. Sabi ko, Lord, 1% nalang. Bat di mo pa binigay. masakit talaga. Then one of my friend, sabi niya, "alam mo, yung 1% na yun, yun yung doubt mo". I was so shookt. Siya yung sumagot sa question ko kay Lord. I believe na ginamit siya ni Lord para sagutin yung tanong ko. I didnt expect her response. I was more on nagkulang ako sa preparation kaya nabitin.

    Yung sakit na naramdaman ko, nawala. Naisip ko yung sakit na naramdaman ni Lord. Yung nag doubt ako sa kakayanan na binigay niya sakin, sa lahat lahat nang bagay na binigay Niya makaya ko lang yung course at maka graduate on time, preboards, ilang ulit na review at 2 board exam. At lalong lalo na sa pag doubt ko sa kakayahan Niya. Yung kaya Niya lahat nang hindi ko kaya. Yung doubt ko na sa Kanya padin talaga ang last say. Na kung maniniwala ka lang, ibibigay Niya talaga. I was so ashamed. Nakaya ko magreklamo at masaktan sa 1%, pero di ko naisip yung naramdaman ni Lord. at dahil dun, napaiyak nanaman ako. At laking pasasalamat ko na Condi ako, at isa na lang itutumba ko, CPA na ako. God is really amazing tlaga.

    I am addressing this sa ating lahat na aspiring CPAs. Na wag tayo mag doubt sa sarili natin, lalong lalo na kay God. Kung ano ang hindi natin kaya, kaya ni God. Kung magtitiwala lang tayo sa Kanya, ibibigay Niya, sa panahon na ready na tayo at buong buo na yung tiwala natin sa Kanya. Kung nasasaktan tayo sa kalagayan natin ngayon, mas nasasaktan Siya. Hindi Niya gusto na mahirapan tayo. Pini-prepare Niya lang tayo nang maigi para sa mga blessings Niya para satin.

    Kaya ikaw, oo ikaw, kung hindi ka pa CPA, wag mong i-underestimate yang galing mo. Binigay ni Lord yan sayo. Kaya kaya mo. Yang mentalidad at kapasidad mo, galing kay Lord yan, bigay para sayo. Kaya mo i-defeat yung exam kasi tao lang ang nagbigay nun. Yung talino mo si God nagbigay, kaya walang makakatalo jan. I repeat, KAYA MO. MAGIGING CPA KA. MAGIGING CPA TAYO. Matuto lang tayong magtiwala sa  Kanya. Okay ba? Cheer up na. 😊

    We will be CPAs. We deserve to be CPAs. Wag mong sayangin lahat nang effort mo. Yung puyat, mga tv series/kdramas na hindi pinanood, family time sana, bonding wid friends sana, summer feels sana, at lahat nang luha na si God at ang mga gamit sa kwarto mo lang ang nakakakita, worth it yan lahat. Okay lang magpahinga, wag lang sumuko. Ang tunay na accounting student, umiiyak, nagmumura, nagrereklamo, nasusugatan, nahihirapan, pero hindi sumusuko at hindi nalalagutan nang hininga para sa pangarap niya. Yang hirap mo ngayon, walang wala yan sa hirap na dinadanas nang iba na more than 2yrs na pinaglalaban ang pangarap nila. Kaya wag mawalan nang pag asa, Okay?

    Masasabi din natin yung katagang "Ma, CPA na ako". Wid matching talon at luha tas high pitch pa. Magiging worth it din ang lahat. Magiging CPA din tayo. Wag lang tayo mag doubt. 😊.

    Shoutout pala kay NJVE, ang natatanging CPA sa aming tropa. Salamat sa walang sawang supporta Enaj. You are my "mentor" 😂 & inspiration. Hahabol kami. Labs kita 💙

    At higit sa lahat, Thank You, Lord ! Di ko to kaya na ako lang. Ikaw ang nagpasa sakin. Di mo pa man binibigay yung license ko, mahal pa rin Kita. At patuloy Kitang mamahalin at magtitiwala Sayo anu man mangyari. Salamat talaga Lord ! Everything, for You 👆❤

    Philippians 4:13
    "I can do all things through Christ who strengthens me".

    Laban lang tayo mga besh ! Kasama natin si Lord sa laban na to! 💪

    Posted
  • mary mikkar of Batangas State University - ARASOF, Nasugbu

    AMEN! We will become CPAs.. In God's Timing ! 

    Posted
  • @jaijay03 of PRTC

    😍😍😍

    Posted
  • mei of University of Perpetual Help System DALTA - Las Piñas

    Inspiring <3

    Posted
  • fefe of Kingfisher School of Business and Finance

    Amen! God is Good po sa buhay mo. :) WOW!!!! Grabe yong pagkilos ni Lord. :) I am blessed ate salamat po. :) God will bless you moreee! :)

    Posted
  • Merly Joy D. Labas of Father Saturnino Urios University

    Thank you for inspiring us. 😍

    Posted
  • Melaaancholy of Others

    I pray for the same kind of faith na meron ka.

    Darating din tayo sa dulo in His perfect timing, as long as we don't give up. <3

    Faith it till we make it!

    Posted